Jump To

 

| This site is maintained by Jose Rizal University

 
 
Bookmark us:
Ang mga Batang Rizal

Biniyayaan ng Diyos ang mag-asawang Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ng labinng-isang anak – dalawang lalaki at siyam na babae. Sila ang mga anak :

Saturnina (1850 – 1913) – panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya’y Neneng; ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.

Paciano (1851-1930) – nakatatandang kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang nakababatang kapatid, sumapi siya sa Rebolusyong Pilipino at nahing Heneral; pagkaraan ng Rebolusyon nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Banos , kung saan siya ay naging magsasaka at namatay noong Abril 30,1930, isang matandang binata sa edad na 79. May dalawa siyang anak sa kanyang kinakasama (Severina Decena ) – isang lalaki at isang babae.

Narcisa (1852-1939) – palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez (pamangkin ni Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.

Olimpia (1855-1887) – palayaw niya at Ypia; ikinasal kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula Maynila.

Lucia (1857- 1919) – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba , na pamangkin ni Padre Casanas. Namatay sa Kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Dr. Rizal.

Maria (1859-1945) – Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng Binan, Laguna.

JOSE (1861-1896) – ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang kanyang palayaw ay Pepe; habang desterado sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ngunit ilang oras lamang nabuhay ang sanggol pagkapanganak; pinangalanan siyang "FRANCISCO’ ni Rizal, sunod sa ngalan ng Ama, at inilibing siya sa Dapitan. 
Concepcion (1862-1865) – ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na 3; ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutan naranasan ni Rizal.

Josefa (1865-1945) – ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang matandang dalaga sa edad na 80.

Trinidad (1868-1951) – Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang matandang dalaga noon 1951 sa edad na 83.

Soledad (1870-1929) – bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay Choleng; ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.


Your recently saved topics:


 

Random Quotation

 

News

Testimonials

 
 
 


Copyright 2004© Jose Rizal University
Disclaimer

For inquiries, send e-mail to rizalweb@jru.edu