Isinilang si Jose Rizal
noong ika-l9 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba. Ang Calamba
ay nasa lalawigan ng Laguna. Si Jose Rizal ang ika-pito sa labing
–isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso
Realonda. Ang Ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang
sa Binan, Laguna, noong Mayo 11,1818. Nag-aral siya ng Latin at
Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa,
pagkaraan mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa Calamba at naging
kasamang magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag
siya, bihirang magsalita, ngunit mas maraming nagagawa, malakas ang
pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila
noong Enero 5,1898 sa edad na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag
ni Rizal ang kanyang ama na "Huwarang Ama".
Si Donya Teodora
(1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong
Nobyembre 8,1826, at nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang
kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod. Kahanga-hanga
siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo,
at katatagan ng isang babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni
Rizal: "Ang aking Nanay at katangi-tangi; maalam siya sa
panitikan at mnahusay mag Espanyol kaysa akin. Siya ang nagwawasto
ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang
nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming
aklat na nabasa. Namatay si Donya Teodora sa Maynila noong Agosto
16,1911 sa edad na 85. |