|
|
|
|
Bookmark us: |
|
|
|
Pagsilang ng Pambansang
Bayani
|
|
Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan na naging pinakadakilang bayani ng isang nasyon. Biniyayaan ng diyos ng maraming talino, maihahanay siya sa ibang henyo sa buong daigdig. Siya ay isang doctor (siruhano sa mata), makata, mandudulan mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemista, manlalaro, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat, siya ay isang bayani at politokong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan . Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na Pambansang
Bayani.
Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules, Hunyo 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo. Gaya ng isinalaysay niya kinalaunan:"Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19,1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa lambak naito ng luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon."
Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, Si Padre Rufino Collantes, na isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga – Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang ngalang "JOSE" ay pinili ng kanyang ina sa deboto kay San Jose.
Nang bininyagan siya, pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi sa mga miyembro ng pamilyang naroon: "Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya." Nagkatotoo ang sinabi niya, gaya ng matutunghayang pangyayari sa
hinaharap. |
|
|
|
|
Your recently saved topics: |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Random Quotation |
|
|
|
News |
|
|
Testimonials |
|
|
|
|
|
|
|