Anak ng isang pamilyang Katoliko, isinilang at pinalaki sa diwa ng Katolisismo, at mayroong malinis na puso, lumaking mabuting Katoliko si Rizal. Sa edad 3, kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya. Ang kanyang ina, na isang debotong katoliko, ang nagturo sa kanya ng mga dasal. Nang siya ay limang taong gulang, marunong na siyang magbasa ng bibliya ng pamilya na nasa wikang Espanyol.
Palasimba si Rizal. Doon siya nagdarasal, sumasama rin sa mga prusisyon. Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso siyang "Manong Jose" ng mga Hermanos at Hermanas Terceras.
Isa sa mga iginagalang at pinagpipitagan an ni Rizal sa Calamba noong siya’y bata pa ay si Padre Leoncio Lopez, ang Kura ng bayan. Madalas na binibisita siya ni Rizal para pakinggan ang mga makabuluhan nitong opinyon sa mga nagyayari sa paligid. Hinahangaan din niya ang pilosopiya nito sa
buhay. |