Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina, at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong TALIM sa Binan na siyang mag-uuwi sa kanya sa Calamba. Nang mabasa niya ang sulat , nagkaroon siya ng premonisyong di na siya babalik sa Binan kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala, at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase.
Umalis siya ng Binan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 17,1870, pagkaraan ng isa’t kalahating taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong TALIM dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko. Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo Camps, kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga sa kanya. |