Malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Rizal. Tinuruan sila ng kanilang magulang kung paano magmahalan at magtulungan.
Sa mga kapatid na babae, pinakamamahal ni Rizal si Concha (Concepcion). Isang taon ang tanda niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha at mula sa kapatid ay natutunan niya ang pagmamahal. Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Concha, sanhi ng sakit noong 1865 nang siya at tatlong taong gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid ay labis na nalungkot sa pagkamatay nito. "Nang ako ay apat na taong gulang",sabi niya, "namatay ang aking nakababatang kapatid na si Concha, at iyon ang unang pagkakataong lumuha ako dahil sa lungkot at pagmamahal…" Ang pagkamatay ni Concha ang unang kalungkutan niya. |