Jump To

 

| This site is maintained by Jose Rizal University

 
 
Bookmark us:

Kabanata XXXII
Ang Bunga ng mga Paskil

Buod

Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka.

Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.

Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.

Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.

Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.

Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging.

Mga Tanong at Sagot

1. Anong pangunahing pangyayari ang ibinunga ng mga paskil sa mamamayan ?

Sagot

Pagkakatakot, pambayang pagkakatakot.

2. Ano ang nangyari kay Isagani, Makaraig, at Basilio matapos silang dakpin ?

Sagot


Si Isagani ay nakapasa sa asignatura ni Padre Fenandez lamang, si Makaraig ay kumuha ng pasaporte at nagtungo sa Europa at si Basilioay nanatili sa bilangguan.

3. Pano nabalitaan ni Basilio ang nangyari kay Huli ?

Sagot


Sa tulong ng kutserong si Sinong na dumalaw sa bilangguan.

4. Bakit nalimot ni Paulita si Isagani ?

Sagot

Natakot siya sa kagitingan ni Isagani. Maaring may nakatulong pa si Donya Victorina sa pagsulsul sa dalaga na limutin ang kasintahan at si Juanito na ang ibigin. Magkalayo ang daigdig ni Isagani na tinagurian ni Paulita na rin, na “mga pangarap “ samantalang ang kawalang isip at pagkamakasarili ni Paulita ay kataliwas sa pagmamalasakit ni Isagani sa ibang tao at sa bayan.


Your recently saved topics:


 

Random Quotation

 

News

Testimonials

 
 
 


Copyright 2004© Jose Rizal University
Disclaimer

For inquiries, send e-mail to rizalweb@jru.edu