|
|
|
|
Bookmark us: |
|
|
|
Kabanata
XXXI
Ang Mataas na Kawani
|
|
Buod
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.
Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.
Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo”.
Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo
(bapor).
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit Matanglawin ang naging bansag kay Kabesang Tales?
Sagot
Sinasabing ang lawin ay may napakatalas na mga mata. Parang lawin naman ang mga mata ni Kabesang Tales sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan.
2. Sino ang unang nakalaya sa mga estudyante? Sino ang huli? Sino ang hindi nakaalpas? Bakit?
Sagot
Sa tulong ng kanyang salapi, una sa lath ng nakalabas sa bilangguan ay si Makaraig. Huli si Isagani dahil sa malayo ang kanilang bayanat natagalan bago dumating ang amaing pari. Si Basilio ang tanging naiwan sa kulungan. Wala siyang padrino o ninong na nagmalasakit.
3. Bakit nagiging tila maka-Pilipino ang Mataas na Kawani?
Sagot
Una, siya’y isang taong marangal at may puso. Ikalawa, naniniwala siyang ang pagbibigay ng katarungan sa mga Pilipino ay higit na nakapagpapadakila sa bansang Espanya.
4. Ano ang kahalagahan ng Mataas na Kawani sa nobelang ito?
Sagot
Sa tulong ng paglalarawan sa Mataas na Kawani ay naipakita ni Rizal ang kanyang kawalang–pagkiling sa pamumuno niya sa mga sakit ng bayan. Binatikos niya ang masamng Kastila; Pinuri niya ang marangal at dakila. |
|
|
|
|
Your recently saved topics: |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Random Quotation |
|
|
|
News |
|
|
Testimonials |
|
|
|
|
|
|
|