Ang nobelang "El Filibusterismo"
ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong
pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag
na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.
Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng
hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London,
Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa
Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891.
Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong
Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na
nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na
hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
Mga Tauhan:
Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang
sinasaka na inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng
suliraning pampaaralan
Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino
Ang amain ni Isagani
Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila
Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang
sa kilalang angkang may dugong Kastila
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para
sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa
oras ng kagipitan.
Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban
ng mga mag-aaral
Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng
konsulado sa Pilipinas
Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds |