Jump To

 

| This site is maintained by Jose Rizal University

 
 
Bookmark us:

Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa

Buod

Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.

Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.

Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.


Your recently saved topics:


 

Random Quotation

 

News

Testimonials

 
 
 


Copyright 2004© Jose Rizal University
Disclaimer

For inquiries, send e-mail to rizalweb@jru.edu