Buod
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng
hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang
pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas
naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan
hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang
tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri
ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya
Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya
habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok.
Sa may kabisera umupo si
Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang
pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si
Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng
pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit
ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung
kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla,
napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero,
tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang
dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si
Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero,
kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang
kapitan sabay sabing "huwag mo akong alalahanin."
Sinimulan ng idulot ang
pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso, ang
ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang
napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng
tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok
para kay Ibarra.
Habang kumakain,
nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa
kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja,
siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala
siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa
halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang
isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang
ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng
tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng
pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina
si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na
kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
"Nasa ibang bayan ako
nitong mga huling dalawang taon", tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni
Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang
kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang
pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod
sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang
pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na
pagbabago sa kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na
halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang
katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin
ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag
ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon
lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang
ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla
ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lamang si Ibarra,
ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas
na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang
makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang
nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra.
Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at
ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis
si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre
Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong
pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil
dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang
pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa
Espanya.
Nang gabing iyon, sinulat ng
binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak
at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may
handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral
ng isang Indio sa ibang lupain.
Tanong
Bakit ipinagbabawal ng pamahalaan ang
pangingibang bansa ng Kabataang Pilipino?
Sagot
Ang mga mag-aaral na nangingibabang bansa ay nagiging palalo at mapagmataas kapag nakakabalik nang muli sa kanilang tinubuang bayan. |