Ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina, na katangi-tangi dahil sa kanyang magandang ugali at mabining pagkilos. Sa kanyang kandungan sa edad 3, natutunan niya ang alpabeto at mga dasal. " Ang aking ina, sabi ni Rizal" ang nagturo sa aking ng pagbasa at magdasal.
Bilang guro, si Donya Teodora ay pasensiyosa, tapat, at maunawain. Siya ang unang nakakita ng talino ng anak sa pagkakatha ng tula. Kaya lagi niyang hinikayat itong magsulat ng tula. Para naman di mabagot sa pagmememorya ng alpabeto, ng ina ang imahinasyon ng anak sa pamamagitan ng pagkukuwento.
Habang lumalaki si Jose, umupa ang kanyang magulang ng guro ng magtuturo sa kanya sa kanilang bahay. Ang una ay si MAESTRO LUCAS PADUA. Kinalaunan, isang matandang lalaki, si LEON MONROY na dating kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Ang matandang guro ay nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan si Jose ng Espanyol at Latin. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng limang buwan.
Pagkamatay ni Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na ipadala siya sa isang pribadong paaralan sa
Binan. |