Mula pagbibinata, naging interesado si Rizal sa mahika. Sa bilis ng kanyang mga kamay, marami siyang natutunan na mahika, gaya ng pagpapawala at muling pagbabalik sa isang barya o panyolito. Inaaliw niya ang mga kababayan sa eksibisyon ng mahiwagang lampara. Binubuo ito ng isang ordinaryong lampara na nagbibigay ng anino sa puting-tabing. Pinagagalaw niya ang mga daliri, gumagawa ng mga aninong kaanyo ng hayop at tao. Naging mahusay din siya sa pagpapakilos ng mga papet. |