Jump To

 

| This site is maintained by Jose Rizal University

 
 
Bookmark us:

Kabanata XXXIV
Ang Kasal ni Paulita

Buod

Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.

Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya.

Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral,ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal.

Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat – sa bahy ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun.

Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok.Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo.

Mga Tanong at Sagot

1.Saan naroon si Isagani at wala sa pinangangaserahan?

Sagot

Mababasa ito sa kasunod na kabanata.

2. Ano ang katunggakan at pagka-isip alipin ni Don Timoteo sa sining ang ipinakita ni Rizal?

Sagot


Ang tungkol sa pinturang larawan na tinutulan niyang ilagay ni Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago bilang kapalit ng mga inalis na mga santo. Baka raw pagkamalan siya na tumatangkilik sa mga pintor na Pilipino pagkat kaya ng mga ito ang gumuhit ng larawan na wala naman siyang kamuwangan. Inibig pa niya ang mga palamuting kromo dahil hindi gumagawa nang gayon ang mga Pilipino.

3. Ano ang kahalagahan sa pag-unawa ng mga pangyayari ng pagiging kutsero ni Simoun si Sinong?

Sagot


Lalong lumilinaw na may kinalaman si Simoun sa matagal na pagkapiit ni Basilio. Si Sinong ang laging dumadalaw sa estudyante sa bilangguan at nagiging taga-hatid balita, lalo na ang ukol kay Huli.Ang tangang si Sinong , sa sariling kusa, ay hindi makapangahas dulaw sa bilangguan ng isang may’malaking’ pagkakasalang tulad ni Basilio. Maari siyang idawit ng mga may kapangyarihan. Ang pagdalaw niyang iyon ay isang misyon para kay Simoun – upang dagdagan ng pait ang pagkabilanggo ni Basilio at tuluyang lasunin ng ngitngit ang isip nito at damdamin.


Your recently saved topics:


 

Random Quotation

 

News

Testimonials

 
 
 


Copyright 2004© Jose Rizal University
Disclaimer

For inquiries, send e-mail to rizalweb@jru.edu