Buod
Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais
niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad
pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang
gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli.
Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa
pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni
Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita.
Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.
Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya.
Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw
at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan
nitop ang binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasukatang
magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw
kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung
sino. Dito’y may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang
katedratiko.
Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay
raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o
mga paskin (posters) na mapanghimagsik.
May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,.
Ang una: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng
mga uwak at buwitre.
Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami
raw estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa
pag-aaral.
Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayo’y
itiwalag nila di kayo makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni
Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil.
Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.
Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang
kasama sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil
wal ng klase.
Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi:
Wala-wala akong kinalaman, wala akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko
Basili, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat
Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit
sa kanila.
Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit
pinagpupuyusan ng kalooban.
Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay
nagkakagulo tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng
tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay
mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga
pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong ngayon?
May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon?
Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura
) alamin niyon. Nguni’t di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito
kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang
karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban,
sino man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi
naman ay sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani.
Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan.
Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang
mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig.
Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya:
Naparito ako upang makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig.
Nagkatinginan ang dalawang tanod.
Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si
Makaraig kay Basilio. Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng
kapayapaan ay umiwas kayo sa amin ..
Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino
Pati ba ako? tanong ni Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong
mag-alala. Mabuti’t ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan
kagabi samantalang nasa sasakyan tayo.
Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay
Makarai. Sinabi ni Makaraig na ma-aasahan siya ni Basilio at sa
magtatapos raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na
dumakip sa kanila.
Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital.
2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng
medisina. Licienciatura lamang ang pinagkaloob. Ngunit sila’y
nakapanggagamot din.
3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang
pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga karanasan noong bat pa
siya. Ngunit ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot.
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago?
Tugon
Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi
nang
ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon.
2. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin?
Tugon
Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay
nahihiga dahil sa kapahamakang inabot dalawang araw na.
3. Sino ang nakakita ng mga paskil?
Tugon
Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng
Bise Rektor (Sibyla) at ipinadala sa pamahalaang sibil upang gawing
patibay sa pagsusuplong laban sa mga estudyante na siyang tiniyak na
may kagagawan niyon.
4. Ano ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago
ay nangangamoy bangkay na ?
Tugon
Napapadalas na raw ang dalaw ni Padre Irene at ni Simoun na siyang
nagbabalitang lalong makikinabang sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago
parang mga uwak at buwitre (vulture).
5. Bakit namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati?
Tugon
Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang nangawala
ang ulo sa takot sa mga pangyayari.
6. Sino ang may kagagawan sa mga paskil?
a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman.
Hindi kaagad makakikilos ang mga kasamahan ni Simoun ukol doon.
Nagkatiwa-tiwalag sila. Hindi magagawa iyon ng mga kawal o ng mga
manong. Di rin ng mga tulisan o Penitente kaya. Kung iyon ay noong
gabi ng himagsikan mismo natagpuan, maaari pang si Simoun. Ngunit
isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin.
b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga
estudyante kundi ang mga kura lalo na ang bise-rektor o si Padre
Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng
Wikang Kastila na di nilagdaan ni Placido.
7. Bakit nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal
na kaibigan?
Tugon
Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila si Basilio nang
malamang pinaghuhuhuli na ang mga estudyanting kasapi sa kapisanan.
Si Basilio ay di nila maisama sa mga lakad na pangkasaysayan o noong
wala pang gulo at ngayon nagkakagulo ay saka nakikisama si Basilio,
sa akala ni Makaraig. |