|
|
|
|
Bookmark us: |
|
|
|
Kabanata
XXI
Mga Anyo ng Taga-Maynila
|
|
Buod
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.
Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.
Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.
Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.
Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle na huwag manood: at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari.
Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas mapuna. Anya: Mga sekretarya kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga bulsa. Walang laman. Ano sa akin sino man sila? anito at nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok. At umalis ang karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido.
Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga ay naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok.
Ani Camarroncocido: Doon ang heneral dito si Padre Salvi. Kaawa-awang bayan! Ngunit anio sa akin?
Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa pagsasasbi ng mgsa kahanga-hangang kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo. Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio.
Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si Tadeo. Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo. Iniwan ang taga-lalawigan na
nag-iisa.
Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay halabos na hipon dahil mapulang-mapula siya. Siya ang isang Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging Kastila. Gayong may pagkadugong bughaw, nang dumating sa Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga gawaing kauri nito. Isa siyang kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito ay nagsamantala sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan.
2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa Corneville. Ito’y nagpapahiwatig ng mga mananayaw na babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na titikwas-tikwas samantalang sumasayaw at pasipa-sipa sa itaas ang mga
paa.
Mga Tanong at Sagot
1. Anong kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong tulad ni
Camarroncocido?
Tugon
Ang pagwawalang-bahala sa mga panayayari o mga mangyayari kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa kanya kahit mangahulugan ito ng kaguluhan sa bayan o maging ito ay matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay sakit ng lipunan hanggang ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang nasassaksihan nguni’t di isinusuplong sa mga maykapangyarihan sapagka’t wala namang tuwiran o biglaang samang nagagawa sa mga nakakita dahil di nila nais masangkot sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa paglilitis. Nguni’t sa di paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw ang nangapabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay nagdurusa. (Maipaliliwanag pa ito ng guro).
2. Paano nahati sa dalawa ang lipunan sa Maynila?
Tugon
Dahil sa mahigpit na pagtutol dito ng mga prayle, lalo na si Padre Salvi, at sa pagsang-ayon dito ng mga taong pamahalaan, napukaw ang pansin ng mga taga- Maynila. Nangagtanong sila kung bakit ipinagbabawal ito ng simbahan? Lahat halos ay ibig manood: Una, iyong ibig manood upang malaman kung bakit bawal; at ikalawa, iyong ibig manood kung bakit dapat ipagbawal. Kung hindi ipinagbawal ng mga prayle, hindi dadami ang manonood.
Ito ay isang magandang paglalahad ukol sa tinatawag na ban o pagbabawal sa pagbabasa sa isang aklat. Dahil ipinagbabawal ang Noli at Fili, noon, halos lahat ng marunong-runong bumasa ng Kastila noong panahon ni Rizal aaaaay nagnais makabasa ng mga nobelang ito. Ipinagbawal ng simbahan ang Pride of the malay Race ni Rafael Palma. Ito ay naging mabili. Kapag nilalagyan ng For Adults Only ang paskil ng palabas sa sine lalo itong pumapasok;ipinagbabawal ang isang sine, ito ay dudumugin ng tao. Dahil sa ito’y katutubo sa tao ang pagtanggi sa pagbabawal. Bawalan mong hipuin ang isang bagong kapipintang bagay sa paglalagay ng pansin na Huwag Hipuin .Sariwang Pintura, at ito ay mapupuno ng mga bakas ng daliri ng mausisa.
3. Sino-sino ang mga taong napuna ni Camarroncocido sa dilim sa paligid ng
dulaan?
Tugon
Mga tauhan ni Simoun. Ang mga kawal ay pinagsabihan niyang ibig ng Kapitan Heneral na magkaroon ng gulo upang mapigil ang pagbabalik nito sa Espanya at di kaagad matapos ang panunungkulan nito sa Pilipinas. Sa makatuwid sumalakay man ang mga kampon ni Kabisang Tales ay aakalain ng mga militar na iyon ay bahagi lamang inihandang pagkakagulong sa kagustuhan ng Kapitan Heneral. At ang haharapin ng mga kawal ay hindi ang mga tulisan kundi ang mga manong na magtatanggol sa mga prayle. Dito’y gagamitin ni Rizal ang theory ni Machiavelli: Paglaban-labanin mo ang iyong nasasakupan at sila’y madali mong mapaghaharian. Kung magpapatayan ang mga marinero at militar laban sa mga manong at confradia magiging malaya ang pangkat nina Kabesang Tales at ang mga mamamayan sa pagsasalakay sa nais nilang salakayin.
4. Bakit nakapasok din sa dulaan si Tadeo?
Tugon
Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli ay magrerepaso para sa nalalapit niyang pagsusulit. May tiket para kay Basilio. Ito’y ipinagamit nina Isagani kay Tadeo. |
|
|
|
|
Your recently saved topics: |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Random Quotation |
|
|
|
News |
|
|
Testimonials |
|
|
|
|
|
|
|